Personal Blog

Obey and Honor your Parents

Obey your parents with love and respect, and with sincerity of heart, just as you would obey our God. Obey them not only to win their favor when their eye is on you, but do it with the obedience to the Lord.

“Children, obey your parents in the Lord, for this is right. Honor your father and mother’ – which is the first commandment with a promise.” – Ephesians 6:1-2

This verse reminded us to honor and obey our parents. Madaling unawain hindi ba? Ilang beses mo na ring nabasa o narinig dahil isa ito sa first great duty na ibinigay sa atin ng Panginoon. Katulad din noong mga bata pa tayo – sinasabihan tayo ng parents natin na sundin natin sila.

God wants all children to honor and obey their parents because this is right in God’s sight. We need to love them unconditionally, regardless of how they treat us.

Kung may naganap noon na hindi maganda. Kalimutan mo na. Kung may sama ka ng loob o galit na nararamdaman pakawalan mo na. Forgive them. Alalahanin mo na lamang ang mga magagandang nagawa nila sa buhay mo. Isipin mo na lamang na madaling lumipas ang panahon. Matanda na sila – kailangan nila ng pagmamahal mula sa’yo.

Sukliman mo lahat ng sakripisyong nagawa nila sa’yo. Always remember all the good things na nagpasaya sa’yo noon. Kung meron man silang nagawa na hindi maganda i-let go mo na’yan. Hindi lang naman sila ang nagkulang – mas madalas nagkukulang din tayo.

May mga pagkakataon na naisip ko na tama sila. Tama sila na pigilan ako sa mga gawain na akala ko ay tama noon. Maraming bawal na hindi ko puwedeng gawin. Maraming utos na kinaiinisan ko noon. Pero sa paglipas ng panahon doon ko na-realized na tama nga sila. Na sana sinunod ko sila. Sana naging okay ang lahat sa akin.

Kailangan mo ring ispin na kapakanan mo ang iniisip nila. Gusto nilang mapabuti ka. Kasi mahal ka nila. Kaya nga ang kailangan mong gawin ay sundin sila. Lalo na kung ito naman ay nakakabuti sa’yo. We need to honor our parents in obedience to the Lord. Kasi ‘yun ang commandment ng Panginoon.

Talk to your parents. Tawagan mo sila palagi kung nasa malayo ka. Kung malapit ka lang lagi mong bisitahin. At kung kasama mo – bigyan mo ng isang power hug. Always remember them sa mga special occasion. Pray for them ang isa sa mga pinakamagandang bagay na puwede mong gawin.

Pasensya. Kung sila ay nagkakamali o nagiging makakalimutin na. Kung may nasabing hindi maganda pagpasensyahan mo na. Ikaw na ang umiwas sa gulo o sa mahabang usapan. Show your respect. Kung sa tingin mo mali ang ginagawa nila – huwag mong sabayan ang galit nila. Kausapin mo na lamang kung malamig na ang sitwasyon. Lambingin mo at ipaliwanag mo ang side mo na sa tingin mo ay tama.

Huwag kang sumigaw. Hindi pa sila bingi. Naririnig ka nila. Kausapin mo sila nang mahinahon. Umiwas ka na lang kung talagang mainit na ang sitwasyon. Magkulong ka sa kuwarto mo at manalangin. God will guide you sa maaari mong gawin.

Tandaan mo, there is a promise that if we honor our parents, We’ll have long life to live. Kaya nga dapat sundin mo na lang ang commandment ni God. Tell them that you love them and appreciate them sa lahat ng mga ginawa nila sa’yo. Love them by obeying, honoring and praying them.

Please like us on Facebook

Categories: Personal Blog

Tagged as: , , , , ,

Share your thoughts / Give some feedback