Hugot Bible

Heart Ache: Let Go and Let God

How to let go of a heart ache? Minsan sa buhay natin makakaranas tayo ng kabiguan. Mga sitwasyon na hindi natin inaasahan. Mga expectation na nauwi sa kawalan ng pag-asa. Tandaan mo, hearts are broken through disappointment. Kaya nga tayo nasasaktan dahil minsan hindi natin nakukuha ang sarili nating kagustuhan.

“He heals the broken hearted, and bandages their wounds.” – Psalm 147:3

Sumama loob mo dahil hindi ikaw ang na promote sa trabaho? Nasaktan ka dahil sinabihan ka ng hindi maganda? Nasaktan ka dahil hindi ikaw ang gusto niya? Sakit di’ba? Pero you need to move on and pray na magkaroon ka ng ‘acceptance’ dahil ‘yun ang wala sa’yo.

Hindi mo matanggap ang kabiguan kaya ka nasasaktan.

Kapag dumating ang mga sunod sunod na problema bumangon ka lang. Labanan mo sa pamamagitan ng pagbabasa sa Kanyang mga salita. You need to turn your hearts to the comforting words of scriptures.

Sa Kanyang salita naroon ang mga promises na puwede mong panghawakan. The promises that bind up your brokenness and heal your heart ache.

Is your heart filled with hatred?

Minsan nagkakaroon tayo ng galit sa isang tao lalo na kung nasaktan tayo nito. Minsan nagsisimula ito sa sama ng loob lalo na kung hindi nito naibigay ang mga expectation mo. Nagalit ka sa kapatid mo o sa tatay mo dahil feeling mo pinabayaan ka.

Ito na ang time para palayain mo ang galit na nararamdaman mo. Today is the time to heal your brokenness. Lumapit ka lang sa Panginoon. Si God hindi lamang builder isa din siyang healer. Kaya nga nandiyan Siya para gamutin ang sakit na nararamdaman mo.

Nandiyan Siya para mabuo ka muli.  He heals the broken hearts with medicine that only Him can provides. Ang kailangan mo lang gawin ay i-take ang medicine na ibinibigay Niya sa’yo.

Isa na riyan ang forgiveness. Forget the past – nagkulang man sa’yo ang isang tao patawarin mo na katulad nang pagpapatawad na ginawa Niya sa’yo. Kulang ka pero tinanggap ka ng Panginoon. Bakit di mo magawa sa kapwa mo? Choose to forgive. Magmahal ka. Choose Jesus na maghari sa buhay mo.

Huwag mong isipin na pinabayaan ka ng Panginoon. During heartache, God is always near us. He will help whatever heartbreak you have. Kailangan mo lang tawagin ang pangalan Niya. We can reach out to him. We can pray. Makikinig Siya sa’yo. Tandaan mo, in all situations kung ano man ang dahilan ng pagiging broken mo.

Let God fight your battle. Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon i-surrender mo sa Panginoon. Tutulungan ka Niyang i-restore ang puso mo. Ibalik ang kagalakan na nawala sa’yo. Tandaan mo, sa Panginoon dapat hindi ka feeling broken. Dapat wala ng heart ache. Kasi habang nasa Panginoon ka nabubuo ka.

Kung sa pag-ibig, huwag mong ipilit kung pwede mo naming ibaling sa Panginoon ang pagmamahal mo. Siya muna ang unahin mo at sigurado akong may forever ka. Minsan kasi sa buhay natin tayo ang gumagawa ng dahilan para masaktan tayo.

Alam nating bawal sige pa rin tayo. Alam mo nang hindi kayo puwede pinipilit mo pa. Pero kung nandiyan ka na sa sitwasyon at nasasaktan ka na. How to deal with your broken heart?

Aminin mo na may kasalanan ka. And learn from your mistakes. Minsan kasi tayo ang gumawa ng dahilan kung bakit tayo nasaktan. You must pray and confess your sin. Then, he heals your broken-hearted, and bandages the wounds.

Please like us on Facebook

Share your thoughts / Give some feedback