Motivational Articles

Don’t Rush! Guard you Heart.

Kapag sinabing guard your heart it means be alert. Dapat alisto ka. Baka iba na ang nilalaman ng puso mo – mga negatibong emosyon na minsan hindi mo na nakokontrol. We must take care to guard your heart against the corrupting influence that are everywhere in this world. You must pray – makakatulong ang word ni God para mabantayan ang puso mo.

Don’t rush your decision. You must take a hard time to think. Pag-isipan mong mabuti. Guard your heart. You must talk to God upang maganap ang kalooban Niya sa ‘yo. Tandaan mo, kapag sinunod mo ang sarili mong desisyon nang pabigla bigla baka magsisi ka. Huli na nang malaman mong nagkamali ka pala.

Control your emosyon. Pinakilig ka lang mahal mo na agad. Learn how to guard your heart. Ikaw din, baka masaktan ka lang nang paulit ulit. Hindi ka pa ba natututo? Our hearts become unguarded kung masyado tayong nagmamadali. Yung nagmamadali tayong pumasok sa isang relationship. Yung pinasaya ka lang akala mo siya na talaga. Sabi nga, you need to lay a foundation of friendship – ‘wag agad agad! Higit sa lahat, you must seek God’s heart. Si God muna. Don’t depends on your own understanding. Huwag kang kumilos sa sarili mong kagustuhan. Hayaan mong si God ang unang kumilos bago ka humakbang.

Hindi lamang sa pag-ibig kundi sa pang araw araw nating pamumuhay. Sa ating trabaho, sa ating mga kaibigan o sa mga sitwasyon na kinahaharap natin. Minsan makakaramdam ka ng galit, inis, selos o takot. Mga negatibong emosyon na madalas – bigla nating mararamdaman. Dahilan para magkaroon tayo ng biglaang desisyon na possible nating ikapahamak.

Huwag kang mag desisyon kung negatibo ang nararamdaman mo. Huwag kang pabigla bigla sa mga desisyon mo. Give time to relax and to rest your mind. Talk to God. Sabi nga sa kasulatan, keep your heart with all vigilance, for from it flow the spring of life. Just keep in praying. At the end of the day, magiging maayos din ang lahat.

Minsan ba naisipan mong mag-resign sa trabaho? Huwag mag re-resign kung nabigla ka lamang. Kung napagalitan ka ng boss mo o napagsabihan ng hindi maganda – guard your heart. Huwag hayaan na matalo ka ng emosyon mo. Huwag kang mar re-resign dahil galit ka o masama ang loob mo. Tandaan mo, our emotion are powerful decision makers. Kaya, guard you heart and makes wise decisions.

Bakit kailangan mong i-guard ang puso mo? Because your heart is always under constant attack. Nandiyan ang kalaban upang sirain ka. Tandaan mo, ginagamit niya ang puso mo para sirain ka. Gagawin niya ang lahat makaramdam ka lang ng disappointment. Makaramdam ka lang ng poot o inis sa kapwa mo.

Huwag kang pumayag! Kaya gamitin mo ang word of God upang i-guard ang puso mo. Ito ang weapon mo para talunin ang kalaban na pilit sumisira sa’yo. You should meditate the word of God and pray to create in you a clean heart and restore the right spirit within you. Don’t Rush! Guard you Heart.

“Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it.” – Proverbs 4:23

“Create in me a clean heart, O God; and renew a right spirit within me.” – Psalm 51:10

Please like us on Facebook

3 replies »

  1. Our heart is so fragile must be guarded of prayer.

    Ang hirap kapag puso ang nagdikta dun talaga masusukat ang salitang susugal ka. Kung ikakaligaya ba ito o dusa ang dulot nito.

Share your thoughts / Give some feedback