Usapang Pag-ibig

How to Move On?

When someone is struggling after a break-up, their first question is often “How to deal a broken heart?” or “How to Move on?” ito ang kadalasang tinatanong kung kagagaling lang natin sa isang break-up. Makakaya mo kaya? I’ll be honest with you, moving on isn’t easy. Mahirap pero dapat mong kayanin. Iiyak mo pero huwag mong hayaan na lumubog ka dahil nasaktan ka. Forget about the past. Get over it! Itayo mo na ang sarili mo.

How to move on? Ano ba talaga ang dapat gawin?

Cut off contact – o itigil mo na ang pakikipag-communicate mo sa kanya. Kadalasan kasi gusto pa nating makipag feeling friends sa kanya. Gusto mo siyang kausapin kahit nirereject na niya ang mga messages mo. Ikaw naman, halos maiyak dahil ‘di siya nagrereply sa’yo.

Sa halip na sayangin mo ang oras mo sa kahahabol sa kanya bakit ‘di na lang si God ang i-contact mo. Sabi nga, the Lord is near to the brokenhearted. Kapag si God ang kinausap mo, sure ako makikinig Siya sa’yo. Hindi mo kailangang maghabol dahil lalapit Siya kapag tinawag mo Siya.

Get Busy – Huwag kang magkulong sa loob ng kuwarto mo para umiyak lang ng umiyak. Mas makakalimutan mo Siya kung ibabaling mo ang atensyon mo sa ibang bagay. Bakit ‘di ka manood ng movies, mamasyal, mag-shopping o kumain sa labas.

Pero alam mo kung ano pa ang maganda mong gawin? Get busy sa pagbabasa ng bible mo. Kapag nabasa mo ang mga promises ni God sigurado akong gagaan ang pakiramdam mo. Pagsubok lang ‘yan. Forget the past. At gagawa Siya ng mga bagong bagay na sigurado akong ikatutuwa mo.

Forgive him – Kailangan mo na siyang pakawalan dahil lalo ka lang masasaktan kung magpapatuloy ka. At isang paraan para makalaya ka dapat patawarin mo na siya. Oo, masakit ang ginawa niya sayo pero mas masakit kung magtatanim ka pa ng galit sa kanya.

Mas mahihirapan kang i-let go siya. Sabi nga, magpatawad ka. If we forgive those who have wronged us, mas makakahinga tayo ng maluwag. Magpatawad ka katulad ng pagpapatawad sa’yo ng Panginoon.

Pray – ito naman talaga ang dapat mong gawin. Kailangan mong ibuhos sa Panginoon ang sakit na nararamdaman mo. Itigil mo na ‘yung kasasabi mo ng hindi maganda sa kanya. Ask Him na maging okay siya at maisip niya ang pagkakamali niya sa’yo. Pray ka na ma renew ang puso mo – ‘yung bumalik ang joy na nararamdaman mo.

“Cast all your anxiety on Him because he cares for you.” – 1 Peter 5:7

Sa Kanya mo lang makukuha ang peace na hinahanap mo. Kung nasasaktan ka ngayon, kausapin mo ang Panginoon. Sa Kanya mo ibuhos lahat ng paghihirap mo. Makikinig Siya dahil mahalaga ka sa Kanya.

Hindi mo ba naiisip na kaya ka nasa ganyang sitwasyon ngayon dahil inilalayo ka Niya sa maling tao? Iniwan ka niya kasi hindi ka niya mahal. Hindi siya ang tao na para sa’yo. Mayroon pang mas higit sa kanya. At ‘yun dapat ang iniisip mo – may ibibigay sa’yo ang Panginoon.

Maghintay ka lang. Darating ang higit pa kaysa sa kanya. Kaya dapat magpasalamat ka dahil habang maaga pa nalaman mo na hindi siya ang tao na dapat mong mahalin. You deserve someone better. Kaya focus ka muna sa Panginoon. Seek His kingdom at ibibigay Niya sa’yo ang desire ng puso mo.

Please like us on Facebook

Categories: Usapang Pag-ibig

Tagged as: , ,

Share your thoughts / Give some feedback