Hugot Bible

Be a Cheerful Giver

It’s more blessed to give than received. Mas maganda ‘yung ikaw ang nagbibigay kaysa ikaw ang binibigyan. We are created in the image of a Giver. Giving is how God demonstrates His love for us. Kaya nga ibinigay Niya sa atin ang Kanyang nag-iisang anak dahil mahal Niya tayo. Let us not love by words but with actions and in truth.

Giving makes you happy. Oo, masarap ang makatanggap ng regalo. Masayang makikain ng libre pero sa totoo lang mas masaya ang magbigay. Lalo na kung ito ay mula sa puso mo. Masarap sa pakiramadam ‘yung makita mong may ngumiti dahil nagbigay ka. May kurot sa puso ‘yung alam mong may naiyak sa tuwa dahil nakatanggap sila.

God loves a cheerful giver. Sabi nga sa 2 Corinthians 9:6-8 , you should give what you have decided in your heart to give. Magbigay ka ng kusa sa loob mo hindi ‘yung mabigat sa loob mo. Huwag kang magbigay kung gusto mo lang ipakita sa ibang tao na nagbibigay ka.

Magbigay ka ng may kasamang pagmamahal, and God is able to bless you abundantly. Kasi habang nagbibigay ka mas dumadami ang mga blessing na natatanggap natin. We became God’s channels of blessings.

Binebless Niya tayo kasi alam Niya na nagbibigay tayo sa kapwa natin. Kapag nagbigay ka sa kapwa mo huwag kang maghintay ng kapalit sa kanila dahil si God mismo ang magbibigay ng reward sa’yo. Tandaan mo, when we give God’s blessings that were originally ours to others, ginagamit tayo ni God upang magbigay ng blessings sa mga mas nangangailangan.

Hindi ba masarap sa pakiramdam ‘yung sinabihan ka na ” blessings ka sa kanila?”

Luke 6:38Give, and it will be given to you. A good measure, pressed down, shaken together and running over, will be poured into your lap. For with the measure you use, it will be measured to you.”

Alam ng Panginoon kung nagbibigay tayo na mula sa puso natin. Magbigay tayo at ibabalik Niya ng siksik at umaapaw na biyaya. Gagawin Niya ‘yun hindi lamang para i-blessed tayo kundi maging blessing tayo sa kapwa natin.

Pero alam mo ba na mas nakaka-blessed ang magbigay sa Panginoon?

Magbigay tayo sa Panginoon dahil may mga promises si God para sa mga giver – magbigay tayo at ibubuhos Niya ang pagpapala sa atin ng siksik, liglig at umaapaw na biyaya. Diba ‘ yan ang sabi sa Malachi 3:10?

Kapag nagbibigay ka, para kang gumawa ng isang malaking pader para proteksyonan ang mga finances mo. Kasi hindi papayag ang Panginoon na masira ang bunga ng mga pinaghirapan mo. Hindi lamang sa financial kundi maging sa ibang bagay – sa health mo, sa trabaho mo o maging sa pamilya mo.

Pero ang pagbibigay dapat laging may kasamang pagmamahal. Magbigay ka ng mula sa puso mo. Hindi dahil kailangan lang o gusto mo lang ipakita sa iba na nagbibigay ka.

Kapag nagbigay ka. You must believed in the God’s promises. May faith ka. Naniniwala ka sa Kanyang salita. Panghawakan mo ang salitang – Hindi ka mangangailangan. Hindi ka kukulangin. because God will blessed you abundantly.

Masarap magbigay kaysa sa tumanggap. Bakit ‘di mo subukan? Lalo na kung may ibibigay ka naman. Huwag tayong maging maramot sa kapwa natin. Magbigay tayo dahil isa ‘yun sa command sa atin ng Panginoon. Kung ang Panginoon nagbibigay sa’yo, bakit ‘di mo magawang magbigay sa iba?

If anyone is poor among your fellow Israelites in any of the towns of the land the LORD your God is giving you, do not be hardhearted or tightfisted toward themDeuteronomy 15: 7

Masarap magbigay lalo na kung nakakatulong tayo sa kapwa natin. Tandaan mo, hindi mahalaga kung malaki o maliit ang naibigay mo. Mas tinitignan ni God ang puso natin. Kaya magbigay ka ng tapat sa puso mo. And always remember that God loves the cheerful giver.

Please like us on Facebook

Categories: Hugot Bible

Tagged as: ,

Share your thoughts / Give some feedback