Usapang Pag-ibig

Single: Longing for Love?

What are you waiting for right now? Are you longing for your partner in life? In the season of singleness, we want God to give us the right person to marry. Sabi nga, wait patiently. Paano kung  nawawalan ka na ng pag-asa kung may darating pa? Paano kung sawa ka na sa pagiging single?

Why won’t God give you what you want? Bakit ‘di Niya maibigay ang gusto mo? Ang gusto mo lang naman ay matagpuan ang isang taong magmamahal sa’yo.

Isang tao na tatanggapin kung ano ang past mo. Someone who makes you special. Isang tao na mamahalin ka at ‘di ka lolokohin.

Kapatid, always remember that God is working in your waiting. Huwag kang mainip. Huwag kang magalit o magtampo sa Kanya kung sa tingin mo matagal ka nang naghihintay. Baka hindi pa ito ang tamang panahon – inihahanda ka pa Niya sa pagdating ng tamang tao para sa’yo.

You should wait the God’s timing. It is in waiting that we see the power of God move on our behalf. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay. Be patient while on waiting. Relax ka lang. At habang naghihintay ka – seek first His kingdom. At lahat ng desire ng puso mo ibibigay Niya sa’yo. Kaya huwag kang mainip kung hanggang ngayon ay single ka pa din.

Si God muna ang mahalin mo dahil kapag inuna mo Siya hindi ka Niya iiwan. Hindi Siya katulad ng mga EX mo na pinaasa at iniwan ka lang. Tandaan mo, His love endures forever. Kaya be patient, and learn to love the gift of waiting.

Oo, minsan sa buhay natin ayaw na ayaw nating maghintay. Naiinip tayo. Bakit ang tagal? Bakit single ka pa din? But God loves watching us waiting dahil sa ating paghihintay, we can learn to trust and believe on Him. Mas tumataas ang faith natin sa Kanya.

Ano ba ang dapat gawin habang naghihintay ka? Here is the 3 Things you can while waiting for the right person.

Read and meditate His word. Habang nagfofocus ka sa Kanyang salita sigurado akong marami kang matututunan. Tandaan mo, ang Kanyang salita ay tapat at totoo. Believe in His promises. “But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well.”Matthew 6:33

Pray continually, ask for His guidance. Kausapin mo Siya. Sabihin mo na ibigay na Niya ang taong nararapat para sa’yo. Ihanda ka Niya na maging karapat dapat kung sino man ang kaloob sa’yo. Humingi ka ng sign kung kinakailangan. Kung nalulungkot ka na, sabihin mo sa Kanya. Panghawakan mo ang Kanyang salita.

And the Lord God said: It is not good for man to be alone:
let us make him a help like unto himself. Genesis 2:18

Worship Him. Nararapat lamang na Siya ay purihin. Worship Him and wait with thankfulness. Give thanks dahil sa hindi ka Niya iniwan. Magpasalamat ka dahil sa kabila ng lahat hindi ka nag-iisa. You are not alone. Maraming nagmamahal sa’yo. Kung tutuusin, si God ay sapat na. Kaya i-enjoy mo lang ang pagiging single.

“Sing to the Lord, for he has done glorious things; let this be known to all the world. Shout aloud and sing for joy, people of Zion, for great is the Holy One of Israel among you.” – Isaiah 12: 5-6:

Rejoice always! Huwag kang mawalan ng pag-asa. Kahit single ka i-enjoy mo lang. Isipin mo na lang na inihahanda ka pa – ayaw ni God na muli kang masaktan ‘yung paulit ulit na lang. Kaya sa muling pagkakataon. Trust Him. At huwag mo ng sundin ang sarili mong kagustuhan.

Hintayin mo na Siya na mismo ang kumilos. At saka mo hakbangan. Sigurado ako mapapabuti ka na. Hindi ka na mapupunta sa maling tao.

“Trust in the LORD with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to him, and he will make your paths straight.” – Proverbs 3:5-6

Sa perfect time, bigla ka na lang mapapangiti. Magugulat ka na lang na nadiyan na siya. Kasama mo na. At pareho kayong inihahanda at binabago ng Panginoon. Mahalaga na sabay kayong mag serve sa Kanya. Pareho kayong mas lalago. And keep God at the center of your relationship.

Bangon Kapatid has been selected as one of the Top 200 Philippines Blogs on the web.

Please like us on Facebook

Categories: Usapang Pag-ibig

Tagged as: , ,

Share your thoughts / Give some feedback