Daily Verse - Bangon Kapatid

New Things: Isaiah 43:18-19

“Forget the former things; do not dwell on the past. See, I am doing a NEW THING! Now it springs up; do you not perceive it? I am making a way in the wilderness and streams in the wasteland. – Isaiah 43:18-19

To get over the past, you must to accept that the past is over. Huwag mong hayaan na mabuhay ka sa nakaraan lalo na kung hindi naman ito nakakabuti para sa’yo.

Kailangan mong pakawalan para matanggap mo ang bago – habang hawak hawak mo ang nakaraan mahihirapan kang salubungin ang mga magagandang mangyayari sa buhay mo.

Habang binabalikan mo. It can hurt you more. Mas Lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo. Tandaan mo, holding on to the past can ruin your life. Kaya mas makakabuti na itayo mo na ang sarili mo. Focus on the future.

Marami pang magagandang mangyayari sa buhay mo. God has a plan for you. Ang sabi nga Niya, forget the former things. Kalimutan mo na ang nakaraan mo. Huwag mong hayaan na makulong ka sa pangit na nangyari sa buhay mo dahil may magandang bagay na mangyayari sa’yo.

Ang kailangan mo lang gawin ay tanggapin mo ang new things na ibinibigay Niya sa’yo. Pakawalan mo ang luma saka mo matatanggap ang bago. Dahil ‘di mo makikita ang mga magagandang nangyayari sa buhay mo kung patuloy ka pa ring naka focus sa pangit na nakaraan mo.

Tignan mo ang paligid mo. There was a lot of blessings na ‘di mo napapansin. Kung nahihirapan ka kasi iniwan ka, niloko ka o bumagsak ka sa isang pagkakamali tignan mo ang paligid mo.

Maraming nagmamahal sa’yo. Okay ang kalusugan mo, maganda ang trabaho mo, marami kang kaibigan na handang sumuporta sa’yo. Maraming bagay ang dapat mong tignan. Focus ka sa blessings na nasa paligid mo na. Ayusin mo ang sarili mo. At piliin mong harapin ang kasalukuyan.

Kung sa tingin mo wala nang magandang mangyayari sa buhay mo dahil sa bigat ng pinagdaanan mo. Tandaan mo na walang imposible sa Panginoon. Kaya Niyang baguhin ang lahat. Kaya Niyang ituwid ang buhay mo.

Jesus looked at them and said, “With man this is impossible, but with God all things are possible.” – Matthew 19:26

Ang sabi nga Niya, gagawa Siya ng daan sa gitna ng disyerto at magkakaroon ng tubig sa lugar na iyon. Isa itong patunay na makapangyarihan ang Panginoon.

Kaya kung nahihirapan kang I-let go ang past mo. Lumapit ka lang sa Kanya. Ibuhos mo sa prayers mo ang lahat ng sama o bigat na nararamdaman mo. Tutulungan Ka Niya. Ang kailangan mo lang gawin ay magtiwala sa Kanya at aminin mo sa sarili mo na kailangan mo Siya.

Do not dwell on the past. Learn how to forgive. Kung nahihirapan ka. Sabihin mo sa Panginoon. Kailangan mong magpatawad hindi lamang sa mga taong nakasakit sa’yo kundi kailangan mo ring patawarin ang sarili mo.

Tandaan mo, God loves you. Hindi Niya hahayaan na mapahamak ka. Bumangon ka na at salubungin mo na ang mga magagandang NEW THINGS sa buhay mo.

Remember this verse:

"I have been crucified with Christ and I no longer live, but Christ lives in me. The life I now live in the body, I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me. I do not set aside the grace of God, for if righteousness could be gained through the law, Christ died for nothing!” - Galatians 2:20-22

Please like us on Facebook

Share your thoughts / Give some feedback