Motivational Articles

Sino nga ba ang dapat mahalin?

Naguguluhan ka ba kung sino ang dapat mong mahalin? Hindi mo alam kung sino ang pipiliin mo. Nahihirapan kang mamili dahil pakiramdam mo pareho mo silang mahal? Gusto mong mamili pero ‘di mo magawa dahil natatakot kang mawala ang isa sa kanila?

Kapatid, bakit ‘di na lang si God ang mahalin mo. Bakit hinahayaan mo ang sarili mo na ma-stress kung sino sa kanila ang dapat mong ibigin? Relax ka lang, unahin mo  ang Panginoon at magkakaroon ka ng kapayapaan.

Kung ang bible ang tatanungin mo, kung sino nga ba ang dapat mong mahalin. Narito ang ilan sa mga dapat mong mahalin.

First, love God above all things. You should love Him with all your heart, soul and mind. Lahat ng meron ka ngayon ay dahil sa Kanya. He provides all your needs. Mahalin mo Siya higit pa sa mga bagay na mayroon ka.

Paano mo ba maipapakita sa Kanya ang pagmamahal mo?

You should keep his commandments – isa na diyan ang magmahal ka.

“Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your strength and with all your mind; and, “Love your neighbor as yourself.” – Luke 10:27

Sa puso mo dapat si God ang number one. Ayaw Niya na nagdadalawang isip ka pa. You must not worship any other God. Siya lang dapat – kaya sa buhay pag-ibig dapat focus ka lang din sa isa. Para ‘di ka nahihirapan kung sino ang mas matimbang. Piliin mo ‘yung magdadala sa’yo sa Panginoon. Huwag mong piliin ang isang taong ilalayo ka sa Panginoon.

Second, ang sabi sa bible you should love your neighbors as yourself. Mahalin mo rin ang kapwa mo. Huwag kang magtanin ng sama ng loob. Kung dumating ang araw na hindi ikaw ang pinili ng taong mahal mo. Tanggapin mo ng buo sa puso mo. Huwag mo siyang sumpain. Speak blessings ka pa rin dapat.

Love your neighbors, maging mabuti ka sa mga taong nasa paligid mo. Huwag mo silang siraan o kamuhian. Tulungan mo sila kung makita mong may nahihirapan.  Maging mapagbigay ka sa mga nangangailangan. Kung wala pa sila sa Panginoon – ilapit at ipakilala mo sila kay Kristo.

Sino pa nga ba ang dapat mong mahalin?

Love your wife. Mahalin mo ang asawa mo.

“For husband, this means love your wives, just as Christ loved the church. He gave up his life for her.” Ephesians 5:25

Mahalin mo  ang asawa mo. Huwag ka ng mamili kung sino sa kanila. Iwan mo ang maling relasyon. Focus ka sa asawa mo. Kung may pagkakamali o pagkukulang man. Pagusapan n’yo at isama sa panalangin.

Kung wala ka namang iba ay mas nakakalugod iyon sa Panginoon. Maging faithful ka. Kasi si God naging faithful sa’yo. You should love your wife with respect. Ipakita at iparamdam mo. At higit sa lahat – ipagpray mo. Kung mahal mo siya ibigay mo ang nararapat para sa kanya. Ang pagmamahal mo, ang oras mo, at paramihin mo ang mga masasayang memories na hindi niya makakalimutan.

Sino pa ba ang dapat mong mahalin?

“But I tell you, love your enemies and pray for those who persecute you.” – Matthew 5:44

Love your enemies. Mahirap ‘di ba? Paano mo mamahalin ang isang taong sinaktan ka? Paano mo iibigin ang isang taong nanloko sa’yo? Magagawa mo pa bang mahalin ang isang taong pina asa at iniwan ka lang?

Minsan sa buhay natin ay may mga tao na darating upang magbigay ng galit sa puso natin. Magagalit tayo dahil nasaktan tayo o ginawan tayo ng masama. Paano mo sila iibigin kung sa tuwing nakikita mo sila ay nakakaramdam ka na ng poot sa dibdib mo.

Kapatid, learn how to forgive. Oo, mahirap pero kailangan mong gawin. Patawarin mo sila para sa ikatatahimik mo. Lumapit ka sa Panginoon kung nahihirapan ka na. Kung hindi mo kaya, kayang kaya ‘yan ng Panginoon.

Tandaan mo, kung pinatawad mo na sila hindi ibig sabihin magiging feeling close ka ulit sa kanila. Pwede mong palayain ang bigat sa dibdib mo kung susubukan mong alisin ang galit o poot na nararamdaman mo.

I-surrender mo sa Panginoon. Kung talagang malaki ang kasalanan nila sa’yo. Ibigay mo na sa Panginoon. Speak blessings. Huwag ka nang magsalita pa ng laban sa kanila.

Love your enemies. Isama mo sila sa prayers mo. Kung binabato ka ng mga masasakit na salita. Batuhin mo sila ng prayers mo. Si God na ang bahala sa kanila.

Kaya kung naguguluhan ka kung sino ba  ang dapat mong mahalin. Read your bible.

Please like us on Facebook

3 replies »

  1. Amen! Praise God po sa blog niyo! I actually have another blog for my devotions, and yes, it’s very encouraging po as a Christian to see yours! I agree po that, love is really important. Praise God na lang din how the Lord delivers me through the peer pressure of having a romantic relationship. Although, marami pa rin talaga ang challenges, hindi lang sa romantic but even with my family and friends. Kaya pinanghahawakan ko po lagi ang 1 John 4:19—we love because He first loved us.

    God bless po sa inyo at sa work niyo! Let’s use our platform to give glory to God. Keep safe sa pandemic po!

    • Salamat sa iyong pagbisita at sa komento. Tunay nga na napakabuti ng Panginoon dahil minahal tayo kahit di tayo karapat dapat. Willing ako bumisita sa other blog mo. Godbless sa buhay mo Kapatid.

Share your thoughts / Give some feedback