Motivational Articles

Stress at Work? Do Not Let Your Hearts Be Troubled.

Some of us felt the pressure of work related stress. Kahit mahal mo ang trabaho mo, you may experience pressure to fulfill your task or challenging obligation. You are possibly physically ill with that stress headache again.

Life can sometimes be quite stressful. Sometimes our stress is related to our work. ‘Yung pagod na pagod ka na kasi paulit ulit na lang ang mga ginagawa mo. Pagod ka na rin sa ugali ng boss mo. Imbes na i-appreciate ka sa mga magagandang ginagawa mo, mga kamalian mo ang mas pinupuna niya.

Minsan kung delay ang sahod mo. You may feel anxious or worried. Pinagalitan ka o nagkamali ka sa task na ibinigay sa’yo. You lose confidence and may became angry, irritable and depressed. At nagkakaroon ka ng takot na baka matanggal ka.

Napapagod ka na ba?

“Peace I leave with you; my peace I give you. I do not give to you as the world gives. Do not let your hearts be troubled and do not be afraid.”John 14:27

God cares for you, so turn all your stress, worries and anxiety over him. The Lord gives rest. Sa Kanya mo makukuha ang rest na hinahanap mo. Kapatid, come to Jesus. His strength is all you need. Siya ang kalakasan mo. Kaya kung napapagod ka na sa araw araw na ginagawa mo – read and meditate His words.

He is the only one that can give you peace. Hindi ang mundong ginagalawan mo. Sa Kanya lamang makukuha ang kapayapaan. Kaya don’t let your heart be troubled. Huwag kang masyadong mangamba sa trabaho because He gives guidance and wisdom para magawa natin ng maayos ang trabaho natin.

Pinagalitan ka o sinabihan ng masakit na salita sa oras ng trabaho?

Fill you heart with courage and peace by going to Him daily. Huwag kang mag focus sa negativity. Smile ka lang. Control yourself and pray na mawala ang negative emotion na nararamdaman mo.

God loves you. Sapat na ‘yun para huwag mong isipin na galit sa’yo ang boss mo. Ang pag-ibig ng Panginoon ang higit na mas mahalaga.

Speak blessing – huwag mong sumpain ang mga taong nasa paligid mo. Nagsabi man sila ng masama laban sa’yo. Ipag pray mo sila na magkaroon ng joy sa puso nila. Pray for their wisdom para matuto sila at ‘di lang sa’yo aasa sa oras ng trabaho.

God is in control and he loves us. Kailangan mo lang makipag isa sa kanya para makuha ang perfect peace na kailangan mo. Jesus cares for us and that we are to cast our stress upon him. Magbasa ka lang ng Kanyang salita.Tandaan mo, God’s word is the best stress reliever, can calm your fears and anxieties.

Pagod ka na ba at gusto mo ng tumigil?

Kung nagrereklamo ka na pagod ka na at wala ka ng pahinga, just realize that work is part of His plan and your purpose.

God is a worker and we are made in His image. Magtrabaho ka kasi blessings ‘yan. Ang tagal mong naghintay na magkaroon ng trabaho. Ngayon ka pa ba susuko?

Isipin mo, mas nakakapagod ang tumambay sa bahay na walang hinihintay na sweldo. Kaya kung napapagod ka na, magpahinga ka kung may pagkakataon. Kapag araw ng pahinga – mag relax ka. At ang pinakamabisang paraan to release the stress – praise and worship Him.

“Don’t worry about anything, but pray about everything. Then, because you belong to Christ Jesus, God will bless you with peace that no one can completely understand. And this peace will control the way you think and feel.” Philippians 4:6-7

Be positive! Stress or pressure isn’t always bad at work. A little of pressure can help you stay focused and able to meet new challenges in the workplace. Isipin mo na baka ma-promote ka sa tamang panahon. Isama mo ang Panginoon sa trabaho mo. You must pray before and after your working time. Isama mo sa prayers ang mga katrabaho mo na madalas stress ang ibinibigay sa’yo.

Rejoice always. Kung makita ng mga ka-workmate mo na masayahin ka. Mas matutuwa sila sa’yo. At kapag nagtanong sila kung bakit masaya ka pa rin kahit stress na stress ka na sa working place n’yo o na pre-pressure ka na – chance mo na ‘yan na ibahagi si Kristo sa mga buhay nila.

Magpapaka-stress ka pa ba? Control your emotion. If we obey and follow God, we can actually have power over our feelings.

—–

Mayroon ka bang gustong idadag? O mag share tungkol sa nabasa mo? I-comments mo lang Kapatid. Salamat!

Please like us on Facebook

1 reply »

Share your thoughts / Give some feedback