Motivational Articles

Kung Nakakaramdam Ka ng Takot, Ano Ang Dapat Mong Gawin?

Ang takot ang ginagamit ng kalaban upang tayo ay sirain. Nagkakaroon tayo ng takot upang mawala ang focus natin sa Panginoon. Lalo na sa mga sitwasyon na nahihirapan na tayo. Nagkakaroon tayo ng ibat-ibang negatibong emosyon dahilan para mas makaramdam tayo ng takot.  

Kinakabahan tayo sa mga posibleng mangyari. Natatakot tayo na baka masaktan o mapahamak tayo. Kapatid, tandaan mo ang sinasabi sa Romans 8:31 – “Kung ang Diyos ang aking kakampti, sino ang may laban sa akin?”

Satan wants us to walk by fear. Gusto niya mabuhay tayo sa takot.  Gusto niya na mawala ang faith natin sa Panginoon. Ang tanong, magpapatalo ka ba?

Labanan mo ang takot. Huwag kang magpapatalo. No matter what your situations, always remember that God is with you.

Take your fears to the Lord and He will help you to overcome your fear. Tandaan mo si God ang source ng strength natin. Kaya kung gugustuhin mo, kayang kaya mong labanan ang takot na nararamdaman mo.

Ano ba ang dapat gawin para mawala ang takot mo?

Manalangin ka sa Kanya. Ito ang weapon mo sa kalaban. Ayaw niya na tinatawag mo ang Panginoon. Kaya kung mananalangin ka – talbog ang kalaban.

Isipin mo ang pag-ibig ng Panginoon. Ang sabi nga sa 1 John 4:18, There is no fear in love. But perfect love drives out fear. Kaya sa panahon na nakakaramdam ka ng pangamba o takot, isipin mo ang pagmamahal ng Panginoon. Jesus loves you. He will never leave nor forsake you. Kung may mawawala man tandaan mo may magandang plano ang Diyos sa buhay mo.

Meditate His words. Kailangan mong i-meditate ang Kanyang salita. Kailangan mo iyan para labanan ang takot na nararamdaman mo. Huwag kang mabahala dahil nandiyan Siya. “Do not be anxious about anything, but in every situations, by prayers and petition, with thanksgiving, present your request to God. And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ.” – Philippians 4:6-7

Focus on God’s love and His faithfulness. He will fill your heart with peace. Kaya Kapatid, ano man ang dahilan ng takot o pangamba mo – always remember na mahal ka ng Panginoon. Tapat Siya sa Kanyang salita. At sa Kanya mo lang makukuha ang peace na kailangan mo.

Kung nangyari man ang isang bagay na ikinatatakot mo, huwag kang sumuko. May dahilan ang lahat. At isipin mo na may magandang plano ang Panginoon sa buhay mo.

Please like us on Facebook

2 replies »

Share your thoughts / Give some feedback