Hugot Bible

Kapag Ang Tukso Ang Lumapit, Paano Mo Ito Matatakasan?

Sabi nga sa google, temptation (Tukso) is a desire to something, especially something wrong or unwise. It is a test or trial designed give a subject the opportunity to sin against God.

Ang tanong, kaya mo bang labanan ang tukso? Paano kung ang tukso ang lumalapit sa’yo?

Alam mo Kapatid, ang tukso nandiyan lang ‘yan. Lalapit at lalapit ‘yan sa’yo. Kasi ‘yun ang trabaho ng kalaban – ang tuksuhin ka para ikaw ay magkasala.

Ngayon, kapag ang tukso ang lumapit sa’yo. Ano ang gagawin mo?

Tumakbo ka!

Ikaw na ang umiwas. Ang problema minsan kapag nakakaranas tayo ng temptation hindi tayo naghahanap ng paraan kung paano ito matatakasan sa halip nag-e-enjoy tayo.

Nag-e-enjoy tayo sa tukso na nakahain sa ating harapan. Our desire to sin are more powerful kaysa sa desire natin na labanan ito. Nagiging mahina tayo. Bakit kaya?

Check your prayer life?

Baka kulang ka na sa panalangin. Pray that you will not fall into temptation. Manalangin ka para magkaroon ka ng self-control. Kailangan mong manalangin para malabanan mo ang tuksong lumalapit sa’yo.

Tandaan mo, there are no extreme temptation that are impossible to defeat. God is faithful. Tapat Siya sa Kanyang salita. He will not allow us to be tempted beyond our ability to resist.

“No temptation has taken you except what is common to man. God is faithful, who will not allow you to be tempted above what you are able, but will with the temptation also make the way of escape, that you may be able to endure it.” – 1 Corinthians 10:13

Kapatid, never forget that the temptations in your lives are no different from what others experience. Nararanasan din ‘yan ng ibang tao. Depende na lamang ‘yan kung paano mo ‘yan lalabanan.

God is faithful. At ang sabi Niya, He will not allow the temptation to be more than we can bear. Ibig sabihin, may kakayahan kang labanan ang tukso.

As a Christian, we have the Holy Spirit within us. He will help us to escape. Kailangan mo lang manalangin upang malayo ka sa tukso. At malabanan mo ang mga hidden sin mo. Kapag babad ka sa salita Niya – walang tuksong makakalapit sa’yo.

God cares for us. He is not waiting for us to fail. Handa Siyang tulungan tayo. Sa tulong Niya, it is possible for us to stand every temptation referred by satan. The enemies cannot set any temptation before us which is impossible for us to overcome.

Kaya manalangin ka lang sa Kanya.

“Kayo’y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa’t mahina ang laman.” – Matthew 26:41

Kung natukso ka na. Hindi pa huli ang lahat. Tumigil ka. Huwag mong hayaan na mabuhay ka sa isang pagkakamali.

Please like us on Facebook

Categories: Hugot Bible

Tagged as: , ,

2 replies »

Share your thoughts / Give some feedback