Hugot Bible

Na-Reject, Nasaktan o Pinaasa? Ito Ang Dapat Mong Gawin…

Rejection is a part of life. We may experience rejection from a friend, romantic relationship, a work related rejection and the resulting emotions can be often painful. It can stay with us for a long period time. But the bible retells us that it occurs to everyone, including Jesus.

 “He was hated and rejected; his life was filled with sorrow and terrible suffering. No one wanted to look at him. We despised him and said, “He is a nobody!” – Isaiah 53:3

Jesus was the one who was despised and rejected of all men. Kaya kung nasa sitwasyon ka ng buhay mo na-reject ka at pakiramdam mo hindi mo na kakayanin. Kapatid, tandaan mo na hindi lang ikaw ang nakakaranas ng rejection.

“If the world hates you, keep in mind that it hated me first.” – John 15:18

Kahit ang Panginoon ay nakaranas kung paano ma-reject. Ngayon, ano ang gagawin mo kung makaranas ka ng ganito?

If someone turn down your invitations. Masasaktan ka ba? Kung hindi ikaw ang napili sa bagong job promotion, sasama ba ang loob mo?

Normal lang naman ang masaktan. Umiyak ka kung nasaktan ka pero huwag mong hayaan na manatili ang sakit na nararanasan mo.

Huwag mong hayaan na ang rejection ang maging dahilan para tumigil ka sa pangarap mo. Kung nasaktan ka sa pag-ibig, huwag mong hayaan na magtanim ka ng sama ng loob.

Pray for those who reject you and ask for God’s timing.

Tandaan mo, na-reject ka kasi hindi pa ito ang perfect timing para matanggap mo ang dini-desire ng puso mo.

Kung minsan naman talagang hindi para sa’yo ang mga bagay na gusto mo. Tandaan mo, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo.

Ngayon, kailangan mong malaman na hindi diyan nagtatapos ang lahat. Draw closer to God. Kilalanin mo pa Siya at huwag kang lumayo.

Kasi minsan may mga tao na mas lumalayo sa Panginoon kapag nasasaktan. Hindi ba dapat, mas lumapit tayo sa mga panahon na nasasaktan tayo?

Kasi alam ng Panginoon ang pakiramdam ng nasaktan. Alam Niya ‘yung feeling ng rejection. Kaya mauunawaan Niya ang pinagdadaanan mo.

Ang kailangan mo lang gawin, lumapit at magtiwala sa Kanya. Dahil ang Panginoon ang kailangan natin para mabuo muli tayo.

“Let us then with confidence draw near to the throne of grace, that we may receive mercy and find grace to help in time of need.” – Hebrews 4:16

Mas mahalaga na confident tayo na Siya lamang ang makakatulong sa atin. He is the healer of our broken hearts.

Kapatid, tandaan mo that Jesus loves you. Lumapit ka sa Kanya at aalisin niya ang lahat ng sakit cause by rejection.

Lapit ka lang sa Kanya. Kung ni-reject ka ng taong mahal mo. Tandaan mo, God will never reject you. Hindi Ka niya iiwan, sasaktan o papaasahin.

Kung na-reject ka sa trabaho mo o sa mga bagay na nire-request mo, tandaan mo na may magandang plano ang Panginoon sa buhay mo.

“For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” – Jeremiah 29:11

Please like us on Facebook

Categories: Hugot Bible

Tagged as: , , ,

Share your thoughts / Give some feedback