Hugot Bible

Huwag Gaganti! Let God Take the Revenge

When someone hurts or betrayed you, you often feel hatred towards them. Will you ever be able to forgive them for what they have done? Or you want to seek for revenge?

“Dear friends, never take revenge. Leave that to the righteous anger of God. For the Scriptures say, “I will take revenge; I will pay them back,” says the Lord.”Romans 12:19

Kung may nanakit sa atin o sinaktan tayo. Always remember that revenge is simple not a legitimate option for us.

Oo nasaktan tayo pero iwasan mong gumawa ng masama para lamang makapaghiganti ka. Never take revenge into your hands. God will take care of it, sa paraan na alam Niyang makakabuti. Ibig sabihin, hayaan mo ang Panginoon ang kumilos para sa’yo.

Leave it to the anger of God.

Idaan mo sa panalangin para mawala ang bigat na nararamdaman mo. Oo, nasaktan ka. Niloko o ginawan ka ng masama. Hindi kita masisisi kung magagalit ka. Pero, control your emotion.

Huwag mong hayaan na gamitin ng kalaban ang galit na nararamdaman mo para makagawa ka ng hindi maganda.

Don’t let the evil overcome you. Huwag mong sundin ang bulong ng kalaban. Oo, nasaktan ka pero huwag mong ilagay sa iyong mga kamay ang paghihiganti.

“Don’t let evil conquer you, but conquer evil by doing good.”

Romans 12:21

Magpatawad ka. Don’t curse them. Instead, pray that God will bless them. Kung kinakailangan, gawan mo sila ng mabuti.

“Instead, if your enemy are hungry, feed them. If they are thirsty, give them something to drink. In doing this, you will heap burning coals of shame on their heads.” – Romans 12:20

Mahirap ‘di ba?

Paano mo gagawan ng mabuti ang isang taong nanakit sa’yo?

Ask God to help you. Sa perfect time mawawala din ang sakit. God is our healer. Hindi lang sa physical pati emotional healing kayang kaya Niya. Kapag nawala na ang sakit – ‘di mo namamalayan na hindi ka na napopoot sa taong nakagawa sa’yo ng masama.

Kaya choose to forgive. Ang sabi nga sa bible, love your enemies. Mahirap pero kayang kaya mo ‘yan kung Hesus ang nasa puso mo.

Please like us on Facebook

Categories: Hugot Bible

Tagged as: , ,

6 replies »

Share your thoughts / Give some feedback