Hugot Bible

How To Thank God For Answered Prayers?

We should thank God for answered prayers and for granting us the desires of our heart. “But truly God has listened; he has attended to the voice of my prayer.” – Psalm 66:19

Sinasabi nga sa Bible, be patient and be still in His presence so that when you have done the will of God, you will receive what He has promised. At kapag natanggap mo na ang hinihingi mo sa Kanya – nararapat lamang na Siya ay iyong pasalamatan.

We should give thanks to the Lord for our answered prayers. Pero paano nga ba natin mapapasalamatan ang Panginoon?

How to thank God for answered prayers?

First, pray and thank God directly. We should keep our communication with God. Hindi porket answered prayer ka na hindi ka na mananalangin. You should thank Him for all He does. Mas nararapat lamang na pasalamatan mo Siya sa Kanyang mga mabubuting gawa.

Second, share your testimony. Tell others about the goodness of the Lord. Huwag tayong mahiyang ibahagi sa iba ang magandang blessings na natanggap natin. You need to share your testimony para mag-encourage sa ibang mga kapatid.

Third, serve Him continuously. Huwag kang mapagod na mag serve sa Kanya. Tandaan mo, mapapagod ka pero hindi ang Panginoon. Sa lahat ng ginawa Niya sa buhay mo, nararapat lamang na Siya ay iyong paglingkuran. Tandaan mo, sa pag-serve sa Kanya kasama na roon ang pag serve mo sa mga nangangailangan ng tulong mo. Share you blessings sa mga nangangailangan at magpagamit ka sa mga gawain para sa Panginoon.

Lastly, praise and worship Him. Masarap magpasalamat sa Panginoon kung idadaan natin sa praise and worship. Hindi mahalaga kung nasa tono ka. Tandaan mo, sa puso tumitingin ang Panginoon hindi sa boses mo.

Marami pang bagay ang pwedeng gawin para mapasalamatan natin ang Panginoon. Ang mahalaga, ano man ang gawin mo ay may kasamang pagmamahal.

Bangon Kapatid App is now available on Google Play.

Please like us on Facebook

9 replies »

  1. I never thought about sharing my blessings with others as a way to thank God so thank you for bringing that to my attention. I do share, just never thought of it in that context.

Share your thoughts / Give some feedback